Rapist ng paslit, timbog
July 24, 2005 | 12:00am
Arestado ang isang 22-anyos na lalaki na umanoy adik sa ipinagbabawal na droga, makaraang halayin nito ang isang 4-anyos na paslit, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.
Kinilala ni P/Supt. Moises Guevarra, hepe ng Malabon City Police ang suspect na si Ryan Petalco, walang trabaho at residente ng Block 12-B, Lot 14, Phase 2, Area 3, Brgy. Longos, ng nasabing lungsod.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-10 ng gabi nang maaresto ang suspect ng mga barangay tanod at kagawad ng pulisya makaraang madiskubre ng mga magulang ng paslit na si Alice (hindi tunay na pangalan ng biktima) ang panghahalay ng suspect sa biktima.
Nabatid na mag-isang natutulog ang biktima nang pasukin ng suspect sa pamamagitan ng pagdistrungka ng pintuan.
Nagawa umanong mapagsamantalahan ang biktima kung saan tinakpan ng suspect ang bibig ng bata upang hindi makagawa ng ingay.
Matapos makapagparaos ay umalis ang suspect at iniwang nakatulala ang biktima.
Ayon pa sa salaysay ng ina ng biktima, napansin niya ang panginginig ng katawan ng anak kayat agad itong nilapitan at nalamang itoy nilalagnat nang mataas. Tinanong ng ina kung ano ang nangyari at hindi naman nagdalawang-isip ang biktima na ikuwento ang ginawa ng suspect.
Mabilis na humingi ng tulong ang ina ng biktima sa mga barangay tanod na naging dahilan ng pagkakaaresto sa suspect sa loob mismo ng bahay nito. (Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended