Nakilala ang dinakip na si Jeanette Joaquin, o Ma. Teresa Medalla sa tunay na buhay, ng Paliparan, Dasmariñas, Cavite.
Ayon kay PO2 Rodolfo Florencio, ng Quezon City Police naganap ang insidente dakong alas-3:30 ng madaling araw sa Limehouse KTV na matatagpuan sa 306 Quezon Avenue ng nabanggit na lungsod.
Ayon sa mga kagawad ng pulisya na umaresto sa starlet, nakipag-away pa ito nang kanilang damputin at halata aniyang nakainom.
Maliban sa panggugulo, inireklamo din ang starlet ng floor manager ng bar na si Zenaida Reyes dahilan sa hindi pagbabayad ng kanilang inorder.
Sa himpilan ng pulisya, itinanggi naman ni Joaquin ang mga paratang sa kanya.
Aniya isinama lamang siya ng isang kaibigan na lalaki sa nasabing bar.
Ikinatuwiran pa nito na pagdating umano sa bar ay ipinakilala siya nito sa ilan pang kaibigan. Nag-inuman umano sila at nag-enjoy hanggang sa napansin niya na isa-isa nang nawawala ang mga ito at siya ang sinisingil ng halagang P3,200. Ito aniya ang dahilan kung bakit siya nagwala.
Napalaya lang si Joaquin matapos na magbayad ng halagang P8,000. Humingi rin ito ng paumanhin sa pamunuan ng bar. (Anna Sanchez)