18-anyos na estudyante nagbigti
July 23, 2005 | 12:00am
Minabuti ng isang 18-anyos na babaeng estudyante ang magpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti makaraan umanoy mapagalitan ng kanyang mga magulang dahil sa mababang marka sa eskuwela, kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.
Patay na nang idating sa Jose Rodriguez Hospital si Julyvie Pablo, college student, ng 386 Sta. Rita North ng nasabing lungsod.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-3 nang matagpuan ang bangkay ng biktima ng kapatid na si Jennylyn sa loob ng kuwarto ng nasawi.
Gumamit ang biktima ng nylon cord na itinali sa dulo ng biga ng kanilang bahay habang ang kabila naman ay ipinulupot sa kanyang leeg.
Bago ang insidente, pinagsabihan umano ng ina ang biktima hinggil sa nakuhang mababang marka nito mula sa pag-aaral sa hindi nabanggit na kolehiyo.
Matapos ito, agad na nagkulong sa kuwarto ang biktima at nang katukin ng kapatid ay hindi nagbubukas ng pinto kayat nagpasya si Jennylyn na puwersahing buksan ito at tumambad sa kanya ang katawan ng dalaga na nakabitin.
Agad na humingi ng tulong sa kanilang ina si Jennylyn upang maibaba ang biktima sa pagkakabitin at isinugod sa ospital ngunit hindi rin ito umabot ng buhay. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended