^

Metro

Anak ng mayor nag-suicide?

-
Sinisiyasat pa ng mga pulis kung pinatay ba o nagpakamatay ang isang empleyado ng Philippine Amusement Gaming Corporation (PAGCOR) at umano’y anak ng mayor ng Bongabon, Nueva Ecija makaraang matagpuan ang bangkay nito na may tama ng bala sa kanang sentido ng kanyang live-in partner mismo sa loob ng tinitirahan nitong bahay sa Makati City, kamakalawa ng gabi.

Sa report na natanggap ni Police Sr. Inspector Gary A. Reyes, hepe ng Homicide Section, Makati City Police, nakilala ang nasawi na si Alexis Joseph Gamilla, 31, ng #8748 Mayapis St., Brgy. San Antonio Village, Makati City.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-11:45 ng gabi nang matagpuan ang biktima ng kanyang live-in partner na si Melissa na wala nang buhay at may tama ng bala sa kanang sentido buhat sa kalibre .45 baril sa loob ng kanilang kuwarto sa nabanggit na lugar.

Bago naganap ang trahedya, nakita ang biktima na naglilinis ng baril at ayon sa kinakasama nitong si Melissa, nagtataka siya na ang tama ng biktima ay sa kanang sentido, ngunit kaliwete aniya ito.

Wala aniya siyang alam na dahilan para magpakamatay ang kinakasama. Nalaman pa rin na si Gamilla ay anak umano ni Bongabon, Nueva Ecija Mayor Beth Gamilla. Sa ngayon ay nagsasagawa pa ng malalimang imbestigasyon ang pulisya kung ang nabanggit bang biktima ay nagpakamatay o mayroon foul play sa insidente. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ALEXIS JOSEPH GAMILLA

BONGABON

HOMICIDE SECTION

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

MAYAPIS ST.

NUEVA ECIJA

NUEVA ECIJA MAYOR BETH GAMILLA

PHILIPPINE AMUSEMENT GAMING CORPORATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with