Bebot natagpuang patay
July 22, 2005 | 12:00am
Isang hindi pa nakikilalang babae ang natagpuang patay at may laslas sa leeg sa ibabang bahagi ng isang overpass, kahapon ng madaling-araw sa Mandaluyong City.
Ang biktima ay natagpuang naliligo sa sariling dugo at halos mapugot ang ulo dahil sa tinamong malalim na hiwa sa leeg sanhi ng pagkakasakal ng nylon cord ay tinatayang nasa gulang na 25 hanggang 30-anyos.
Ayon kay PO2 Edmund Fabela, may hawak ng kaso, dakong alas-6:30 ng umaga nang matagpuan ng rumespondeng kagawad ng pulisya ang bangkay ng biktima sa ibaba ng overpass sa may Greenhills na matatagpuan sa kahabaan ng Ortigas Avenue, Brgy. Wack-Wack ng lungsod na ito.
Lumalabas sa imbestigasyon na doon mismo pinatay sa sakal ang biktima ng hindi pa nakikilalang suspect matapos na makuha sa tabi nito ang mahabang nylon na ginamit sa krimen ng salarin.
Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso at kung ano ang motibo sa pagpaslang sa biktima. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended