Escort service sa Internet, sinalakay ng NBI
July 22, 2005 | 12:00am
Sinalakay ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang bahay na sentro ng operasyon ng escort service sa internet na front umano ng prostitusyon, kamakalawa sa Quezon City.
Nadakip sa naturang operasyon ang may-ari at dalawang babae na nagsisilbing escort girl ng website na nakabase sa Capitol Subdivision, Commonwealth, Quezon City.
Pansamantalang hindi muna pinangalanan ng NBI ang mga nadakip.
Ayon sa ulat, isang buwang isinailalim sa surveilance operation ang naturang lugar matapos na magduda ang ahensiya sa uri ng serbisyong ibinibigay nito sa internet.
Sa tatlong website, ang www.pinay beauties.com; www. massageph.com at www.hersphilippine.com ay iisang address sa Quezon City ang nakalagay dito.
Sa bisa ng isang search warrant buhat sa Quezon City RTC, sinalakay ang naturang establisimento na nagresulta sa pagkakadakip sa tatlo.
Ayon kay Atty. Palmer Mallari, nakikipag-transaksyon ang isang kliyente na karaniwang mga dayuhan sa pamamagitan ng internet para sa pagkuha ng isang babae. Sa naturang lugar umano sinusundo ng kliyente ang kursunadang babae na hindi lang pag-eescort ang ibinibigay na serbisyo ngunit maging sex service.
Inihahanda na ng NBI ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga nadakip na sangkot sa malawakang cyber prostitution sa bansa. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended