^

Metro

Garci hinahanap na ng NBI

-
Inumpisahan nang hanapin ng National Bureau of Investigation (NBI) si Election Commissioner Virgilio Garcillano matapos na ipadala sa kanila ng Kongreso ang subpoena para rito.

Sinabi ni NBI Director Reynaldo Wycoco na kalakip ang subpoena ng isang liham buhat sa limang komite ng Kongreso na nagsasagawa ng inquiry ukol sa wiretapping.

Hinihiling ng Kongreso sa NBI na tumulong upang matunton si Garcillano para humarap ito sa kanilang pagdinig.

Muling magsasagawa ng pagdinig ang Kongreso sa Agosto 3 kung saan iginiit nila na kailangan nang humarap si Garcillano para malinawan na ang maraming katanungan ukol sa kontrobersiyal na "Hello Garci tape".

Nilinaw naman ni Wycoco na wala pang warrant of arrest na ipinapalabas kay Garcillano maging kay dating NBI Deputy Director Samuel Ong kaya hindi pa ito wanted sa batas.

Makikipagtulungan naman ang NBI sa Philippine National Police (PNP) upang matukoy ang kinaroroonan ni Garcillano na una nang naiulat na nakalabas na ng bansa. (Ulat ni Danilo Garcia)

AGOSTO

DANILO GARCIA

DEPUTY DIRECTOR SAMUEL ONG

DIRECTOR REYNALDO WYCOCO

ELECTION COMMISSIONER VIRGILIO GARCILLANO

GARCILLANO

HELLO GARCI

KONGRESO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with