Minartilyo ng kapitbahay: Lola patay, apo kritikal
July 21, 2005 | 12:00am
Basag ang bungo at nasawi ang isang lola, habang nasa kritikal namang kalagayan ang apo nito matapos na pagpapaluin ng martilyo sa ulo ng kanilang kapitbahay na nainis nang hindi makahiram ng mikropono, cellular phone at pera sa mga biktima, kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.
Namatay habang ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng pagkabasag ng bungo si Eulogia Perez, 74, ng Fishpond, Sawat, Maypajo ng nasabing lungsod. Kritikal naman sa nabanggit na pagamutan ang apo ng nasawi na si Eugene Lopez, 16, na nagtamo rin ng mga palo ng martilyo sa ulo at katawan.
Nadakip naman ang suspect na nakilalang si Marcelo Cabrera, 27, kapitbahay ng mag-lola.
Base sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-3 ng hapon ng maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mga biktima,
Bago ang insidente, unang nagtungo sa bahay ng maglola ang suspect upang manghiram ng mikropono at nang sabihin ng matandang biktima na sira ang hinihiram nito ay sinabi naman ng suspect sa apo ng nasawi kung puwedeng mahiram ang cellphone nito at may ite-text lamang siya.
Hindi rin siya napagbigyan dahil walang load ang binatilyo. Sinubukan din ng suspect na umutang sa mga biktima subalit bigo rin ito.
Umalis ang suspect at sa pagbalik nito ay bitbit ang isang martilyo kung saan unang nabungaran nito ang binatilyo na naglalaro ng computer sa sala. Agad na pinalo ng suspect ng martilyo sa ulo ang biktima at ng sumaklolo ang matandang nasawi ay siya naman ang pinagpupukpok ng martilyo sa ulo ng suspect.
Nang makita ng suspect na duguan ang mag-lola ay tila natauhan ito at siya pa mismo ang nagsugod sa mga ito sa pagamutan.
Sa ospital nagawa namang maituro ng mga biktima sa mga sekyu dito na ang nagsugod sa kanila ay siya ring may gawa ng kanilang pagkasugat. Dito na nadakip ang suspect. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am