2 holdaper todas sa shootout
July 21, 2005 | 12:00am
Dalawang holdaper na pinaniniwalaang miyembro ng Palakpak Boys ang nasawi, habang nagawa namang makatakas ng isa pa nilang kasamahan makaraang makipagpalitan ng putok sa mga tauhan ng pulisya, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Isa pa lamang sa nasawing mga suspect ang nakikilala na ito ay si Analo Golpere,23, alyas Boyet, habang ang isa pang nasawi ay tinatayang nasa gulang na 26-30, may taas na 57 talampakan, katamtaman ang pangangatawan at nakasuot ng asul na t-shirt, maong pants at maraming tattoo sa katawan.
Sa ulat ng pulisya, kasalukuyan umanong nagpapatrulya ang Mobile Car QC-42 dakong alas-11 ng gabi nang bigla na pumara ang isang pampasaherong jeep na minamaneho ni Marlon Romero at itinuro sa mga pulis ang tatlong tumatakbong lalaki na armado ng mga baril na siyang nangholdap sa kanya sa may Visayas Avenue sa kanto ng Maria Elena St., Brgy, Bahay Toro.
Agad na hinabol ng mga pulis ang papatakas na mga suspect ngunit sa halip na sumuko ay nagpaputok ng kanilang mga baril.
Napilitan ang mga pulis na gumanti ng putok at pagkatapos ng ilang minutong pagpapalitan ng putok ay natagpuang nakatimbuwang ang isa sa biktima sa loob ng pinagtaguan nitong nakaparadang pampasaherong jeep, habang ang isa naman ay nasa kalye.
Nagawa namang makatakas ng isa pa nilang kasamahan.
Narekober sa mga suspect ang dalawang cal.38 revolver at dalawang unit ng cellphones.
Ang nasabing mga suspect ay kilala sa lugar, bilang Palakpak Boys. Palakpak ang ginagamit nitong mga hudyat sa kanilang panghoholdap. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended