Lalaki nagbigti sa harap ng city hall
July 20, 2005 | 12:00am
Nagbigti sa harapan mismo ng Caloocan City Hall ang isang 30-anyos na lalaki nang umanoy mabigo na makahingi ng tulong sa lokal na pamahalaan na pambili ng gamot sa taglay niyang karamdaman, kahapon ng umaga sa nabanggit na lugar.
Nakilala ang nasawi na si Rodel Desto, ng Tamban St., Dagat-Dagatan, Caloocan.
Batay sa ulat, dakong alas-8:45 ng umaga nang gumulantang sa marami ang bangkay ni Desto na nakabitin sa isang puno sa harapan ng Caloocan City Hall.
Nabatid na bago ang isinagawa nitong pagpapakamatay, nakita pa ito kamakalawa na paikut-ikot sa city hall kung saan humihingi ng tulong pinansiyal para umano pambili niya ng gamot sa sakit na tuberculosis.
Wala umanong pumansin sa biktima sa akalang gumagawa lamang ito ng raket hanggang sa lulugu-lugo itong umalis.
Kahapon na ng umaga nakita ang nakabiting bangkay nito.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para alamin kung walang naganap na foul play sa pagkamatay nito. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended