1-linggo libre sakay sa MRT ng mga disabled
July 19, 2005 | 12:00am
Isang linggong magpapasakay ng libre ang Metro Rail Transit (MRT) sa mga may kapansanan kaugnay sa pagdiriwang ng National Disabled Week ngayong linggong ito.
Ayon kay Mariano Gui, spokesman ng MRT, tinatayang aabot sa 10,000 katao na may kapansanan ang makikinabang sa nasabing libreng sakay sa loob ng isang linggo.
Ang nasabing programa, ayon pa kay Gui ay inaprubahan ni Department of Transportation and Communication (DOTC) Secretary Leandro Mendoza na nagsimula kahapon ng umaga at magtatapos sa Linggo ng gabi.
Batay sa memorandum order na ipinalabas ni MRT General Manager Roberto Lastimoso, upang makalibre sa sakay ang mga may kapansanan kinakailangang pagsakay at paglabas nila ng istasyon ay ipakita nila sa security guard ang kanilang identification card na galing sa National Council for the Welfare of Disabled Person.
Ang MRT ay may labingtatlong istasyon sa kahabaan ng EDSA mula sa Taft Avenue sa Pasay City hanggang sa North Avenue sa Quezon City. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended