Killer ng varsity player, kinasuhan; VIP treatment, sinisiyasat
July 18, 2005 | 12:00am
Sinampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide sa QCPO ang isang lalaki na nakasagasa sa isang 16-anyos na varsity player na ikinasugat din ng tatlong iba pa noong Sabado ng madaling-araw sa Katipunan Road, Quezon City.
Si Timothy Neil Abujuela ang itinurong responsable sa pagkamatay ni Kenji Kanai, ng Benedictine International School Tiger Sharks nang mabangga niya ito habang papalabas ng sasakyan dakong alas-4 ng madaling araw.
Bukod dito, nahaharap din si Abujuela sa kasong reckless imprudence resulting to multiple physical injuries at damage to property matapos na masugatan sina Marie Arcie Anne Sergado, 20; Daniel Cleak, 17 at Gerly Casinto, 21. Inirekomenda naman ni Inquest Prosecutor Eligio Lofranco ang P32,000 bilang piyansa.
Lumilitaw na sakay ang suspect ng kanyang Toyota Corolla na may plakang WCC-723 nang mabangga ang isang Mitsubishi Lancer na may plakang TGL-303 na minamaneho ni Sergado.
Naniniwala ang mga biktima na lasing sa alak ang suspect ng maganap ang insidente subalit hindi ito isinailalim ng pulisya sa pagsusuri.
Kasabay nito, pinasisiyasat din ni QCPD director Chief Supt. Nicasio Radovan ang impormasyon na may VIP treatment sa kaso ni Abujuela. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended