Tindera, binurdahan ng saksak

Isang tindera ang namatay matapos na pagsasaksakin nang looban ng holdaper ang binabantayan nitong tindahan ng tubig kahapon ng tanghali sa Caloocan City.

Dead on the spot ang biktimang si Joy Ann Saonoy, 20, ng Blk. 6 Lot 21 North Olympus Subd., Zabarte Road, Quezon City bunga ng 10 saksak sa katawan.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas 12:30 ng tanghali nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng Aqua Soft sa Camarin Road, Caloocan City na pagmamay-ari ni Estela Cayetano.

Ayon kay Mark Anthony Delmar, 25, bibili siya ng bottled water nang mapansin niya ang nakahandusay na biktima at naliligo sa sariling dugo.

Agad na nagsiyasat ang pulisya kung saan lumilitaw na nawawala ang mga pera na benta ng tubig at ang cellphone ng biktima.

Posible umanong nanlaban ang biktima kung kaya’t pinatay ng suspect.

Show comments