^

Metro

Libu-libong raliyista dumagsa sa pro-GMA rally

-
Naging maluwag ang pulisya kahapon sa pagdagsa ng libu-libong mga raliyista sa ginanap na prayer rally na may temang "Pagkakaisa, Rekonsilyasyon at Paggalang sa Batas" bilang suporta sa pananatili ni Pangulong Arroyo sa Quirino Grandstand sa Manila, kahapon ng hapon.

Hindi tulad ng paghihigpit ng pulisya sa naganap na anti-GMA rally sa Ayala Avenue Makati City umaabot lamang sa 500 pulis ang ipinakalat ng Western Police District upang magbigay ng seguridad sa rally.

Sa kanyang pagtataya, sinabi ni WPD Dir. Pedro Bulaong na umaabot sa 120,000 katao ang dumalo sa rally mula sa iba’t ibang sektor at local governments sa Metro Manila at probinsya.

Hindi naman hinarang at ang iba ay iniskortan pa ng pulisya ang mga raliyista na hinakot pa mula sa probinsya sakay ng jeeneys at bus na walang pahintulot ng Land Transportation Franchising ang Regulatory Board (LTFRB). Umaabot sa 35 pampasaherong bus at 15 XLT jeepneys na naglalaman ng may 60 katao kada sasakyan ang nagmula sa Nueva Ecija na sumusuporta sa Pangulo sa pamumuno ni Gov. Tomas Joson.

Bahagi ng programa ang pag-aalay ng panalangin buhat sa simbahang Katoliko na pinangunahan ni Bishop Ruben Abante, kapatid ni Manila Rep. Benny Abante.

Bahagyang nagkagulo habang kasagsagan ng rally hindi dahil sa karahasan kundi sa pag-aagawan ng mga libreng pagkain at inumin habang nagkanda-buhul-buhol ang trapiko bunga ng mga nakahimpil sa daan na mga sasakyan ng mga rallyists.

Kaugnay nito, pinasalamatan naman ng Malacañang ang mga nag-organisa ng malaking rally na pinangungunahan ng MM Mayors na kinabibilangan nina Manila Mayor Lito Atienza, Mayor Feliciano Belmonte ng Quezon City at mga kongresista sa Kalakhang Maynila.

Umugong naman ang ulat na karamihan sa mga dumalo sa rally ay binayaran kada isa ng P200 pataas. (Ulat nina Danilo Garcia/Edwin Balasa/Christian Ryan Sta. Ana/Lilia Tolentino)

AYALA AVENUE MAKATI CITY

BENNY ABANTE

BISHOP RUBEN ABANTE

CHRISTIAN RYAN STA

DANILO GARCIA

EDWIN BALASA

KALAKHANG MAYNILA

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING

LILIA TOLENTINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with