DA building nilusob ng mga mangingisda
July 16, 2005 | 12:00am
Nilusob ng mga militanteng grupo ang tanggapan ng Department of Agriculture dahil sa labis na pagkadismaya sa hindi pagdinig ng pamahalaan ang kanilang kahilingan at kalagayan.
Umaabot sa 100 miyembro ng Kilusang Mangingisda ang puwersahang pumasok sa DA building ganap na alas-11 ng umaga kung saan dalawang sekyu sa tanggapan ang nasugatan. Nakilala ang mga ito na sina Joey Como, chief security sa DA at Roselito Alayon, 34.
Bukod dito, nabasag ang mga salamin at nasira ang ilang mga kasangkapan nang kubkubin ng mga militanteng grupo ang gusali.
Nakatakdang sampahan ng pulisya ng kasong malicious mischief, physical injuries at destruction of government property ang grupo ng KM sa pangunguna ni Noli dela Cruz. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended