4 na sugarol timbog: Shabu gamit na taya

Naaresto ang apat na katao matapos mahuling nagsusugal ng cara y cruz na ang ginagamit na pantaya ay shabu, kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Kasalukuyang nakapiit ang mga suspect na sina Benedicto Gumarang, 24; Marvin Gumarang, 22; Aldrin Felipe at Jonnie Opena, pawang mga residente ng nasabing lungsod.

Base sa ulat ng pulisya, dakong alas-3 nang maaresto ang mga suspect sa L. Lupa St. Maypajo, Caloocan City nang maaktuhan ng mga awtoridad na nagsusugal sa kalsada.

Ayon pa sa pulisya, lalong nadagdagan ang kaso ng mga ito nang mabatid ng pulisya na shabu ang ginagamit na pantaya sa kanilang pagsusugal.

Narekober din ng mga awtoridad sa mga suspect ang 23 plastic sachet ng shabu, tatlong disposable lighter at iba pang drug paraphernalia na gagamiting ebidensiya laban sa apat na naarestong suspect. (Ulat ni Rose Tamayo)

Show comments