Binata dedo sa guwardiya
July 15, 2005 | 12:00am
Binaril at napatay ang isang 16-anyos na binatilyo ng isang guwardiya matapos umano itong masangkot sa ilang serye ng nakawan at maaktuhan ito ng huli na nagnanakaw ng plantsa sa binabantayang paaralan sa Pasay City, kahapon ng madaling-araw.
Nasawi noon din ang biktimang si Edmund Pargas, ng Benito Esteban St., Malibay, Pasay City na nagtamo ng tama ng bala sa katawan buhat sa isang 12 gauge shotgun.
Nasa kustodya naman ng pulisya ang suspect na nakilalang si Amando Dungganon, 28, ng Mustang Security Agency na nakatalaga sa Marcela Marcelo Elementary School at nahaharap ito sa kasong homicide.
Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-12:30 ng madaling-araw sa binabantayang pampublikong paaralan ng suspect sa Apelo Cruz Extension, Brgy. Malibay ng nabanggit na lungsod.
Ayon sa suspect sangkot umano ang biktima sa ilang serye ng nakawan sa binabantayan niyang paaralan at matagal na nila itong inaantabayanan.
Natiyempuhan ng suspect na sekyu ang biktima na may dalang plantsa na kinulimbat sa loob ng paaralan.
Pinaputukan umano niya ito subalit imbes na huminto ay tumakbo at tumakas hanggang sa kanyang habulin at tuluyang asintahin. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended