Pasahero dedo sa tricycle driver
July 13, 2005 | 12:00am
Nasawi ang isang mister matapos na barilin ng isang tricycle driver na nainis dahilan sa kulang na bayad na pamasahe ng una, kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.
Patay na nang idating sa Divine Heart Medical Center sanhi ng mga tama ng bala ng baril sa likod si Erwin Ceron, 24, ng 572 Llano Road, Brgy. 167 ng naturang lungsod.
Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspect na si Mario Escobar, 47, ng San Diego Compound, ng nasabing lugar.
Sa ulat, dakong alas-4:35 nang maganap ang insidente sa panulukan ng Llano Road at Almar Subdivision, Caloocan City.
Nabatid na galing ang biktima sa pakikipag-inuman sa mga kaibigan at nang malasing ito ay nagpaalam na uuwi na.
Sinabi pa ng mga kainuman ng biktima na inarkila ng biktima ang tricycle na minamaneho ng suspect at nagpahatid hanggang sa labasan ng subdivision.
Ayon sa mga nakasaksi, nakita nila ang suspect na nakikipagtalo sa biktima dahil kulang ang ipinambayad na pamasahe nito para sa special trip ng tricycle.
Sa gitna ng kanilang pagtatalo ay tinalikuran ng biktima ang suspect ngunit bigla namang binunot ni Escobar ang dalang baril at pinaputukan si Ceron.
Matapos ito, mabilis na tumakas ang suspect sakay ng kanyang minamanehong tricycle habang ang biktima ay isinugod naman ng mga nakasaksi sa nabanggit na pagamutan ngunit hindi na rin ito umabot ng buhay. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended