3 Criminology student arestado sa holdap
July 13, 2005 | 12:00am
Hindi pa man ganap na nagiging pulis, pagiging "scalawags" na agad ang kinahinatnan ng tatlong Criminology student na nambugbog at nangholdap ng isang lalaki, kahapon ng madaling-araw sa Sta. Cruz, Manila.
Dalawa sa mga suspect ang naaresto at nakilalang sina Wilbert Imbentor, 25, ng #214 Sta. Catalina St., Tondo at Gwen Cayanan, 19, ng #200 F. Sitio Puting Bato, Tondo at kapwa estudyante ng Philippine College of Criminology (PCCr).
Inireklamo ang mga suspect ng biktimang nakilalang si Romeo Bactol, 22, ng V. Mapa St., Sta. Mesa, Manila.
Sa ulat ng WPD-Station 3, naganap ang panghoholdap dakong alas-12:30 ng madaling-araw sa may Morayta Avenue, Sta. Cruz. Nabatid na naglalakad ang biktima nang biglang harangin ng tatlong suspect.
Ayon kay Bactol, bigla na lamang siyang pinagtulungang gulpihin ng tatlong suspect. Dito rin umano tinangay ng mga suspect ang kanyang cellphone, ATM card, P150 cash at kuwintas.
Agad namang humingi ng saklolo si Bactol sa pulisya na nagsagawa ng operasyon kung saan nadakip sina Imbentor at Caranan. Hindi na narekober ang mga pera at gamit ni Bactol na tinangay umano ng nakatakas na suspect.
Nakadetine ngayon sa WPD-Station 3 detention cell ang dalawang suspect habang pinaghahanap naman ang ikatlong suspect. Inihahanda naman ang pagsasampa ng kasong robbery hold-up at physical injuries laban sa mga suspect.
Samantala, tatlong miyembro ng Metro Manila Development Authority (MMDA), kabilang ang isang babae na nangongotong ang dinakip ng pulisya sa naganap na entrapment operation sa Quezon City.
Iniharap kay NCRPO chief Director Videl Querol ang mga inaresto na sina Ruby Ann Bron, 31; Carlos Bueno, 30; at Dennis Arce, 29, pawang mga traffic aide II ng MMDA Special Operation Group.
Sa report ni Supt. James Brillantes, hepe ng QCPD-DIID, nagtungo sa kanyang tanggapan dakong alas-7:30 ng umaga si Jovito Francisco, bus driver ng RCJ bus liner na may rutang Ilocos-Manila upang ireklamo ang tatlong suspect.
Agad na nagpakalat ng kanyang mga tauhan si Brillantes sa A. Bonifacio Avenue, Quezon City at isinagawa ang entrapment operation. Nasa aktong inaabot ng tatlo ang halagang P3,000 nang dambahin ng mga awtoridad.
Positibo naman sa ultraviolet powder ang tatlo habang inihahanda ang kasong extortion. (Ulat nina Danilo Garcia at Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended