Illegal na pagpadlock: Bangko, managing director inireklamo sa korte
July 11, 2005 | 12:00am
Isang bangko ang inireklamo ng empleyado ng Makati City Hall matapos na ilegal na ipadlock at ransakin ang kanyang mga kagamitan sa loob ng bahay samantalang wala pa umanong desisyon ang korte.
Nahaharap ngayon sa kasong coercion, tresspassing at illegal demolition ang City State Savings Bank, Inc. na matatagpuan sa 2nd Floor City State Building, No. 709 Shaw Boulevard, Pasig City. Kasamang kinasuhan ang managing director nito na si Alfred Cabangon at ilang tauhan at guwardiya nito.
Sa reklamo ni Angelita Morales, residente ng 9045 San Nicolas St, Brgy. Guadalupe, Makati City hindi umano makatarungan ang ginawa ng bangko at ng mga tauhan ni Cabangon dahil ang kaso ay dinidinig pa ng Makati RTC Branch 63. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am