Klase sa public schools sa Maynila paralisado
July 9, 2005 | 12:00am
Naparalisa ang klase sa mga pampublikong paaralan sa lungsod ng Maynila matapos ang isinagawang mass leave ng mga guro na nagsagawa rin ng kilos-protesta kahapon laban sa pamahalaang Arroyo.
Dakong alas-8 pa lamang ng umaga, idineklarang kanselado ang mga klase sa Araullo High School, Calderon High School, Epifanio delos Santos High School, Manila High School, Manila Science High School, Melchora Aquino High School, Gregorio Antonio High School at may 20 pang ibang paaralan.
Sinuspinde rin ng Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST) ang klase sa high school nito ngunit normal ang klase sa antas ng kolehiyo.
Ang iba namang paaralan gaya ng Recto High School na may 20 porsiyento lamang ng guro ang pumasok ay nagpatuloy ng kanilang klase sa pamamagitan ng paghalili ng mga department head bilang substitute teacher para punan ang mga bakanteng klase na hindi pinasukan ng mga gurong sumama sa mass leave.
Maagang pinauwi ng mga opisyal ng eskuwelahan ang daan-daang mga estudyante nilang walang guro.
Naging normal naman ang mga naging klase sa mga pribadong paaralan sa lungsod batay sa isinagawang monitoring ng District Tactical Operation Center ng Western Police District.
Ang mass leave ng mga public school teacher ay bunsod ng hiling ng mga ito sa karagdagang P3,000 across-the-board wage increase.
Nakiisa na rin naman ang mga guro sa agarang pagbibitiw ni Pangulong Arroyo upang maiwasan ang tuluyang pagbagsak ng ekonomiya ng bansa. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest