Full alert itinaas sa MM
July 9, 2005 | 12:00am
Muling itinaas sa red alert status ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang kanilang puwersa sa Metro Manila sa gitna na rin ng mainit na tensyon sa pulitika sa bansa.
Ayon kay Major Gen. Pedro Ramboanga, AFP Deputy Chief of Staff for Operations (J3) at PNP- NCRPO chief Director Vidal Querol na isinailalim na nila sa full alert status ang puwersa sa Metro Manila dahil na rin sa inaasahang mga anti-government protest na maaaring samantalahin ng ibang grupo na maghahasik ng kaguluhan.
Itoy matapos na manawagan ang ilang pinagbitiw na Gabinete ni Pangulong Arroyo na magbitiw na rin ito sa puwesto.
Nangangahulugan ito na kanselado ang pagbabakasyon ng mga pulis at militar na direktang magre-report sa kanilang mga istasyong kinabibilangan.
Mananatili ang full alert hanggat hindi bumabalik sa normal na sitwasyon ang pulitika sa bansa.
Iginiit naman ni PNP Spokesman Chief Leopoldo Bataoil na manatiling" apolitical" at ipagpatuloy ng kapulisan ang kanilang tungkulin na pangalagaan ang kaayusan at katahimikan sa Metro Manila, gayundin para supilin ang kriminalidad.
Samantala, hinigpitan ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) at ng PNP-Aviation Security Command ang security measures sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at iba pang vital installation dahil sa nangyaring pagsabog sa Central London na ikinamatay ng 37 at ikinasugat ng daan-daang katao.
Sinabi ni MIAA General Manager Alfonso Cusi, itinaas nila ang antas ng alert order para masiguro ang seguridad sa mga arriving, departing, well wishers at welcomers sa airport.
"Gusto nating tiyaking ligtas ang mga taong nasa paliparan," ayon pa kay Cusi.
Ayon pa rin sa kanya, maaaring samantalahin ng mga extremist group ang political instability na nararanasan ng bansa.
Sinabi ni PNP-ASG Chief Supt. Andy Caro II, nagdagdag sila ng tauhan sa paliparan para i-monitor ang galaw ng mga nakapaligid sa airport periphery.
Ayon kay retired Phil. Army General Angel Atutubo, Assistant General Manager for Security and Emergency Services na dobleng paghihigpit ang gagawing pagrerekisa sa mga sasakyang pumapasok sa ramp area ng paliparan para masigurong ligtas ang airport sa lahat ng uri ng kriminalidad na maaaring mangyari dito.
Samantala, sinabi ni Col. Rene Gonzales, Chief Pass Control Division, na hihigpitan ang pag-iisyu ng access pass sa mga taong nais pumasok sa terminal ng airport. (Ulat nina Joy Cantos at Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 2, 2024 - 12:00am