Sekyu lasog sa MRT
July 7, 2005 | 12:00am
Isang guwardiya ang nasawi matapos itong masagasaan ng train ng Metro Rail Transit (MRT) habang nagpapatrulya ito sa pagitan ng Guadalupe at Gil Puyat Avenue Station sa Makati City, kahapon ng umaga.
Nasawi noon din ang biktimang si Simeon Balucos, 28, ng Achievers Security Agency Philippines at naninirahan sa Block 20, Lower Eastment Kabisig Floodway, Cainta, Rizal. Ang biktima ay nakatalagang night shift patrol sa MRT.
Mabilis namang tumakas ang operator ng train na kapangalan ng singer/actor na si Randy Santiago.
Sa ulat na natanggap ni Sr. Inspector Gary Reyes, hepe ng homicide section ng Makati City Police, naganap ang insidente dakong alas-4:30 ng umaga sa pagitan ng Guadalupe at Gil Puyat MRT Station bandang North Bound Lane sa nabanggit na lungsod.
Nabatid na habang nagpapatrulya ang biktima sa nabanggit na lugar hindi nito namalayan ang isang paparating na MRT Finance Train na may body bumber 073 A galing ng Gil Puyat at maghahatid ng tiket dahil posibleng nakatalikod itong naglalakad.
Posible ring hindi napansin ng operator na si Santiago ang nagpapatrulyang si Balucos at sinamang palad itong masagasaan at makaladkad ng naturang train dahilan ng agaran nitong kamatayan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended