Nakilala ang mga nadakip na sina Jay Aquino, 22, ng #15-B Aguinaldo St., Project 4, Quezon City at Jonathan Castillo, 27, ng Brgy. Escopa, Project 4, Quezon City.
Sa ulat ng NBI-Anti-Fraud Division, nag-ugat ang operasyon buhat sa reklamo ni Ronald Aguilar, ng Dasmariñas, Cavite. Sinabi nito na nasawi ang kanyang anak na si Ronald Jr., 21, estudyante, nang operahan ng mga suspect noong Hulyo 1, 2005.
Nabatid na ilang araw matapos na maturukan ng collagen noong Hunyo 28, isinugod sa Dela Salle Medical Center ang biktima dahil sa pagkalason ng dugo ngunit hindi na naisalba ang buhay nito dahil sa "pulmonary embonism".
Dito humingi ng tulong ang nakatatandang Aguilar sa NBI kung saan isinagawa ang entrapment. Ginamit na pain sa operasyon ang isa ring baklang kaibigan ng biktima na si "Lani" na kunwariy nais magpalagay ng pekeng suso sa halagang P10,000 kada sesyon ng pagtuturok ng collagen. (Ulat ni Danilo Garcia)