^

Metro

2 bading huli sa pagtatanim ng pekeng dibdib

-
Inaresto ng mga kagawad ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang sinasabing mga bakla sa isang entrapment operation sa aktong nagtuturok ng "collagen" para sa pagpapalaki ng dibdib, kahapon sa Tondo, Maynila.

Nakilala ang mga nadakip na sina Jay Aquino, 22, ng #15-B Aguinaldo St., Project 4, Quezon City at Jonathan Castillo, 27, ng Brgy. Escopa, Project 4, Quezon City.

Sa ulat ng NBI-Anti-Fraud Division, nag-ugat ang operasyon buhat sa reklamo ni Ronald Aguilar, ng Dasmariñas, Cavite. Sinabi nito na nasawi ang kanyang anak na si Ronald Jr., 21, estudyante, nang operahan ng mga suspect noong Hulyo 1, 2005.

Nabatid na ilang araw matapos na maturukan ng collagen noong Hunyo 28, isinugod sa Dela Salle Medical Center ang biktima dahil sa pagkalason ng dugo ngunit hindi na naisalba ang buhay nito dahil sa "pulmonary embonism".

Dito humingi ng tulong ang nakatatandang Aguilar sa NBI kung saan isinagawa ang entrapment. Ginamit na pain sa operasyon ang isa ring baklang kaibigan ng biktima na si "Lani" na kunwari’y nais magpalagay ng pekeng suso sa halagang P10,000 kada sesyon ng pagtuturok ng collagen. (Ulat ni Danilo Garcia)

ANTI-FRAUD DIVISION

B AGUINALDO ST.

DANILO GARCIA

DELA SALLE MEDICAL CENTER

JAY AQUINO

JONATHAN CASTILLO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

QUEZON CITY

RONALD AGUILAR

RONALD JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with