Holdaper sa loob ng UST, timbog
July 6, 2005 | 12:00am
Nalusutan ng mga kilabot na holdaper ang mahigpit na seguridad ng University of Santo Tomas (UST) nang mambiktima ang tatlong kalalakihan na gamit ang bagong modus-operandi na mga miyembro sila ng isang fraternity, kamakalawa ng hapon sa Sampaloc, Manila.
Nahaharap ngayon sa kasong robbery with intimidation ang mga suspect na nakilalang sina Jeffrey Arca, Mark Mallari at Marvin Garcia, pawang mga residente ng Sampaloc.
Sa ulat ng WPD-Station 4, dakong alas-5 kamakalawa ng hapon nang madakip nila ang mga suspect sa loob ng campus ng UST nang ireklamo sila ng tatlong estudyante ng unibersidad.
Ayon sa isa sa mga biktima na si Khris Violago, nilapitan silang magkakabarkada ng tatlong suspect at nagpakilalang mga neophyte ng isang fraternity sa loob ng campus.
Nangangailangan umano sila ng 60 puntos para maging ganap na miyembro ng kapatiran kung magagawa ang iniutos sa kanila ng kanilang superior.
Pinakiusapan umano sila ng mga suspect na magtungo sa isang lugar sa campus kung saan makikita nila ang isang babae at iwanan ang kanilang gamit.
Sinunod naman ito ng mga biktima kung saan iniwan ang kanilang gamit sa napagkasunduang lugar sa kabila na walang sumalubong sa kanilang tao. Hindi na nila ito nakuha pa nang balikan matapos ang ilang minuto, ayon sa pinag-usapan.
Dito na humingi ng tulong ang mga biktima sa guwardiya kung saan nadakip ang mga suspect nang muling mamataan sa loob ng campus. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended