P10 fare hike sa taxi, hirit
July 6, 2005 | 12:00am
Matapos ang pagtaas ng P2 pasahe sa mga pampasaherong jeep, nagpahayag na rin ang mga operator ng taxi sa Metro Manila na hihilingin na rin nila ang pagtataas sa singil sa pasahe sa kanilang operasyon.
Sa isang panayam, sinabi ni Leonora Naval, Pangulo ng Association of Taxi Operators in Metro Manila (ATOMM), handa na nilang ikasa sa Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang P10 dagdag na singil sa pasahe sa taxi.
"Oras na ipatupad ng pamahalaan ang 10 porsiyentong dagdag buwis sa ilalim ng EVAT law, ilalatag na namin ang aming request na P10 fare increase sa kabuuang halaga sa bagsak ng metro," dagdag ni Naval.
Binigyang diin ni Naval na ito rin ang argumento ng isa pang grupo ng mga taxi sa Metro Manila na pinamumunuan ni dating QC Councilor Bong Suntay.
Sa kasalukuyan, P30.00 ang flag down rate sa mga taxi at P2.50 dagdag sa succeeding kilometer. Kung maaaprubahan ang kahilingan, papalo sa P40.00 ang flag down rate sa mga taxi, hindi pa malinaw kung magkano ang kanilang hihingin sa mga susunod pang kilometro.
May 42,000 taxi units sa Metro Manila na pumapasada sa araw-araw. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 2, 2024 - 12:00am