^

Metro

Mag-utol niratrat: 1 patay, 1 sugatan

-
Napatay ang isang mister, habang kritikal ang nakababatang kapatid nito matapos na pagbabarilin ng kanilang naghiganting kapitbahay na tinalo ng una sa suntukan, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Namatay habang ginagamot sa Nodados Hospital sanhi ng mga tama ng bala ng baril sa katawan at batok si Doroteo Roldan, 37, ng Phase 10B, Package 5, Block 32, Excess Lot, Brgy. 176, Bagong Silang, ng nasabing lungsod.

Inoobserbahan naman sa East Avenue Medical Center sanhi rin ng mga tama ng bala ng baril sa katawan ang nakababatang kapatid ng nasawi na si Arcadio, 27, ng nasabi ring lugar.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspect na si Roger Ruiz, alyas Elvis, na mabilis na tumakas matapos ang pamamaril dala ang ginamit na armas.

Sa ulat ni PO2 Noel Gregorio, may hawak ng kaso, dakong alas-8:30 nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Phase 10B, Package 5, Block 32, Excess Lot, Brgy. 176, Bagong Silang, Caloocan City.

Nabatid na naglalakad ang nasawi sa nasabing lugar nang makasalubong ang suspect na may dalang baril na naging dahilan upang tumakbo ang una.

Agad naman itong pinaputukan ng suspect at nang bumulagta ang biktima, hindi na ito tinantanan ng putok ni Ruiz.

Nang marinig ni Arcadio ang mga putok ay agad nitong tinungo ang pinanggalingan at nang makitang nakabulagta ang kapatid ay mabilis nitong nilapitan subalit siya naman ang pinagbabaril ni Ruiz.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas si Ruiz habang agad namang dinala sa nasabing pagamutan ang mga biktima.

Nabatid pa sa pulisya na bago ang insidente, unang nakasuntukan ng suspect ang nasawi at nang matalo ito sa manu-mano ay nagbanta si Ruiz na papatayin si Doroteo sakaling muling mag-krus ang kanilang landas. (Ulat ni Rose Tamayo)

ARCADIO

BAGONG SILANG

BRGY

CALOOCAN CITY

DOROTEO ROLDAN

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

EXCESS LOT

NABATID

NODADOS HOSPITAL

RUIZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with