^

Metro

Pipeline bomb ginamit sa van ng pamilya Dy

-
Isang pipeline bomb ang sinasabing inilagay ng mga hindi pa nakikilalang suspect sa sasakyan ng pamilya Dy, kamakalawa ng umaga na malubhang ikinasugat ng tatlong miyembro ng pamilya sa Quezon City.

Ayon kay CPD-District Intelligence and Investigation Division (DIID) chief, Supt. James Brillantes, ang pipeline bomb ay inilagay sa tubo ng sasakyan upang malakas ang maging pagsabog nito.

Hanggang ngayon ay inoobserbahan pa rin sa Capitol Medical Center ang mga biktimang sina Patrick Dy, ang kapatid nitong si Pamela-Dy Aguirre at ang kanilang ina na si Adelfa Dy, bunga ng tinamong mga pinsala at sunog sa katawan.

Patungong Cubao ang mag-iina ng maganap ang pagsabog. Sunog na sunog ang loob ng Nissan Patrol na may plakang XJY-625 na sinasakyan ng mag-iina.

Nabatid na sa ganito ring uri ng pagsabog namatay si Peter Dy ang ama ng magkapatid nang taniman ng bomba ang sinasakyan nitong Mitsubishi Pajero noong nakaraang taon sa Valenzuela City. Nananatiling hindi nalulutas ang kaso.

Naniniwala ang pulisya na iisang grupo ang responsable sa dalawang insidente subalit hindi pa rin matukoy.

Idinagdag pa ni Brillantes na bukod sa sinisilip nilang business rivalry na motibo sa krimen, pinagtutuunan din nila ng pansin ang anggulong alitan sa pamilya at kamag-anak ng mga biktima. (Ulat ni Doris Franche)

ADELFA DY

CAPITOL MEDICAL CENTER

DISTRICT INTELLIGENCE AND INVESTIGATION DIVISION

DORIS FRANCHE

JAMES BRILLANTES

MITSUBISHI PAJERO

NISSAN PATROL

PAMELA-DY AGUIRRE

PATRICK DY

PATUNGONG CUBAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with