Kinilala ni NBI director Reynaldo Wycoco ang nadakip na si Oliver Jameiro Carillo, 32, ng Miguelito St., Brgy. Sto. Niño, Marikina.
Dinakip ito ng mga operatiba ng Background Investigation Division matapos na makatanggap ng impormasyon tungkol sa pinagtataguan nito.
Matatandaan na nabaril at napatay sa isang kaguluhan sa loob ng isang bar sa Makati ang biktimang direktor na si Luigi Santiago noong nakalipas na buwan dahil sa away ng mga kasamang babae nito sa kasamang babae ng isang grupo pa ng mga kustomer.
Nabatid naman na nagtungo kaagad sa Singapore si Carillo matapos ang insidente at dalawang linggong nagtago bago bumalik sa bansa sa akalang malamig na siya sa batas.
Inamin naman ni Carillo ang nagawang krimen at sinabing natakot siyang sumuko sa mga pulis dahil sa pangambang i-salvage siya sa akalang napaslang din niya ang isa pang pulis sa naganap na rambol.
Ipinaliwanag pa nito na umawat lamang umano siya sa gulo at nagpaputok ng baril upang magtakbuhan ang mga sangkot ngunit minalas na tinamaan si Santiago. (Ulat ni Danilo Garcia)