'Sulat-holdap gang',timbog
July 3, 2005 | 12:00am
Hindi umubra ang pananakot ng magkasintahang miyembro ng bagong grupong "Sulat-holdap gang" sa isang negosyante nang agad na maaresto sa isang entrapment operation ng mga awtoridad sa Quezon City.
Nadakip ang magkasintahang suspect na sina Albert Rodilla, 23 at Mary Ann Magsumbol, 18.
Huli nilang biktima si Stephanie Lua, 27, ng Sta. Catalina St., Brgy. Sienna ng nabanggit na lungsod.
Base sa ulat, dakong alas-10 ng umaga kahapon nang dumating ang dalawang suspect sa bahay ni Lua.
Ang modus operandi ng dalawa ay ang kumatok sa mga bahay-bahay at nagkukunwaring may dalang sulat. Pagbukas ng pinto ay iaabot ng mga ito ang isang papel na may nakasulat na "Holdap ito, ibigay mo sa amin ang nakatago mong salapi kung gusto mo pang mabuhay".
Bagamat naunahan ng takot ang negosyante ay nakipagkasundo ito sa mga suspect na kukunin lamang niya ang pera. Gayunman, nakatawag na pala ito ng pulis.
Akmang iniaabot ng biktima ang halagang P3,000 cash sa mga suspect nang eksaktong dumating ang mga pulis ay dinakma na ang mga ito. Napag-alaman pa na ito ang bagong modus operandi ng naturang grupo na sa mga bahay-bahay na nanghoholdap. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended