Bahay inararo ng jeep: 1 todas, 9 sugatan
July 3, 2005 | 12:00am
Patay ang isang 52-anyos na lola, samantalang malubha namang nasugatan ang siyam na katao makaraang mawalan ng preno ang isang pampasaherong jeep at sumalpok ito sa isang bahay, kahapon ng umaga sa Marikina City.
Kinilala ang nasawi na si Encarnacion Quitan, pasahero ng bumanggang jeep na may plakang TVZ-530, samantalang malubha namang nasugatan ang iba pang pasahero na sina Maria Lourdes Sininajan, 17; Connie Baraya, 30; Raul Bagarnes; Francisca Serenon, 28; Allan Adenez; Eric Valdez, 26; Lilia Hernandez, 38 at ang mag-lolang sina Janet Barnes, 8; at Marcela Ruiz, 92, na kasalukuyang nasa kanilang bahay sa 54 A. Bonifacio Avenue, Brgy. Barangka ng lungsod na ito nang pumasok ang nasabing jeep sa loob ng kanilang bahay.
Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang driver ng jeep na target ngayon ng manhunt operation ng pulisya.
Ayon sa ulat, dakong alas-10:15 ng umaga nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Bonifacio Avenue sa nasabing barangay.
Nabatid na mabilis na binabaybay ng jeep ang flyover pababa na may biyaheng Cubao-Marikina nang mawalan umano ito ng preno.
Dahil dito, tuluyang nawalan ng giya ang jeep at bumangga muna sa isang Tamaraw FX bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay ni lola Marcela Ruiz.
Sa takot ng driver ng makitang duguan ang kanyang mga pasahero ay mabilis itong tumakas. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended