Sa ulat, dakong alas-11 ng gabi nang arestuhin ang suspect na si Efren Tabali, ng Bayanihan St. ng nasabing lungsod makaraang matagpuan sa loob ng kanyang bahay ang biktimang itinago sa pangalang Arlene.
Nabatid na ganap na alas-6 pa lang ng hapon ay hinahanap na ang biktima ng kanyang mga magulang. Nang hindi makita ay agad na humingi ng tulong sa mga barangay tanod ang mga kaanak nito hanggang sa may magsabing nakita nilang kasama ng suspect ang bata. Dahil dito ay agad na tinungo ng mga tanod ang bahay ng suspect at hindi nga sila nagkamali dahil natagpuan doon ang biktima.
Hindi pa malinaw kung ano ang motibo ng suspect sa pagdukot sa bata na isinasailalim sa medical test para alamin kung pinagsamantalahan nga ito. (Ulat ni Rose Tamayo)