^

Metro

Taas ng toll fee dahil sa EVAT

-
Hindi pa man dinidinig sa Toll Rate Regulatory Board (TRRB) ang naunang petisyon ng mga city councilors sa Valenzuela City, kaugnay sa "toll fee roll back" na kanilang hinihiling, nagsilbing "dagok" at hamon na naman sa kanilang kakayahan ang muling pagtataas ng 10% singil sa "toll fee" ng North Luzon Expressway (NLEX) dahil na rin sa pagpapatupad ng bagong batas ng Expanded Value Added Tax (EVAT) na sinimulan kahapon.

Nabigla at nagkaroon pa ng kaunting diskusyon sa pagitan ng mga motorista at toll gate personnel, matapos na maningil ang mga ito ng minimum fee na P46 sa dati nilang singil na P42, mula Balintawak hanggang Bocaue.

Ikinatwiran ng NLEX na sinunod lamang ng mga ito ang implementasyon ng EVAT, kaya nagtaas na rin sila ng 10% sa paniningil.

Magugunita na nag-file ng "toll fee roll back" ang Valenzuela City Council sa TRRB, upang hilingin dito na ibaba ang singil sa toll gate, dahil anila, walang proper public hearing na isinagawa ang NLEX para sa nasabing paniningil. (Ulat ni Rose Tamayo)

BALINTAWAK

BOCAUE

EXPANDED VALUE ADDED TAX

IKINATWIRAN

NORTH LUZON EXPRESSWAY

ROSE TAMAYO

TOLL RATE REGULATORY BOARD

VALENZUELA CITY

VALENZUELA CITY COUNCIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with