Onsehan sa droga, ex-pulis, dinedo
July 2, 2005 | 12:00am
Onsehan sa droga ang hinihinalang motibo ng pamamaslang sa isang dating pulis ng Central Police District (CPD) matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspect, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Dead-on-the-spot sanhi ng mga tama ng bala ng baril sa ulo at katawan ang biktimang si Steven Arce y Velez, 42, ng Matapang St., Brgy. Pinyahan, ng nabanggit na lungsod.
Si Velez ay AWOL na pulis umano ng Police Community Precinct (PCP)-4 ng CPD-Station 10 at may ranggong Police Officer 3.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-9:30 kagabi nang maganap ang pamamaril sa Waling-Waling St., Brgy. Central, Quezon City.
Papauwi na ang biktima nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspect na armado ng baril. Hindi pa nakuntento, muli itong pinaputukan ng suspect upang matiyak na patay na ito.
Matapos ang pamamaril, dali-dali umanong tumakas ang suspect bitbit ang ginamit na baril. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended