Sa dalawang pahinang desisyon ni Judge Lonfel Lacap Pahimna, presiding judge ng Pasig City-RTC branch 69, ipinag-utos nito ang mabilisang pagpapalaya kay Myhaamadiya Hamja mula sa pagkakakulong nito sa Metro Manila District Jail sa Camp Bagong Diwa sa lungsod ng Taguig.
Naghain din ng "Demurer" noong Hunyo 20 ang abugado ni Hamja kung saan isinasaad na ang testimonya ng witness at ang mga exhibit na prinisinta ay hindi nagtuturo sa akusado na may kinalaman sa naganap na krimen.
Ayon kay Pahimna, na grant ang isinampang demurer kung kayat nadismis ang kaso.
At sa mga tumayong saksi ay wala umanong nakakilala kay Hamja bilang kasama ng mga bandido na nandukot sa mga biktima.
Nagpalabas naman agad ng direktiba sa Jail Warden ng MMDJ Camp Bagong Diwa, Taguig upang agad na palayain si Hamja.
Samantalang, mananatili naman ang 20 iba pang ASG na kinilala ng mga saksi sa loob ng piitan habang dinidinig ang kasong kidnapping for ransom laban sa kanila. (Ulat ni Edwin Balasa)