^

Metro

1 miyembro ng ASG lusot sa kidnap, pinalaya

-
Pinawalang sala ng Pasig City Regional Trial Court ang isang suspected Abu Sayyaf matapos na mabigo itong kilalanin ng isang saksi bilang suspect na dumukot sa kanila sa Mindanao.

Sa dalawang pahinang desisyon ni Judge Lonfel Lacap Pahimna, presiding judge ng Pasig City-RTC branch 69, ipinag-utos nito ang mabilisang pagpapalaya kay Myhaamadiya Hamja mula sa pagkakakulong nito sa Metro Manila District Jail sa Camp Bagong Diwa sa lungsod ng Taguig.

Naghain din ng "Demurer" noong Hunyo 20 ang abugado ni Hamja kung saan isinasaad na ang testimonya ng witness at ang mga exhibit na prinisinta ay hindi nagtuturo sa akusado na may kinalaman sa naganap na krimen.

Ayon kay Pahimna, na grant ang isinampang demurer kung kaya’t nadismis ang kaso.

At sa mga tumayong saksi ay wala umanong nakakilala kay Hamja bilang kasama ng mga bandido na nandukot sa mga biktima.

Nagpalabas naman agad ng direktiba sa Jail Warden ng MMDJ Camp Bagong Diwa, Taguig upang agad na palayain si Hamja.

Samantalang, mananatili naman ang 20 iba pang ASG na kinilala ng mga saksi sa loob ng piitan habang dinidinig ang kasong kidnapping for ransom laban sa kanila. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

ABU SAYYAF

CAMP BAGONG DIWA

EDWIN BALASA

HAMJA

JAIL WARDEN

JUDGE LONFEL LACAP PAHIMNA

METRO MANILA DISTRICT JAIL

MYHAAMADIYA HAMJA

PASIG CITY

PASIG CITY REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with