^

Metro

1 miyembro ng KFR, timbog

-
Isang notoryus na miyembro ng ‘Laygo kidnap-for-ransom group’ ang nasakote ng mga elemento ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group sa operasyon sa isang fastfood chain sa Paranaque City. Kinilala ni PNP-CIDG director Chief Supt. Ricardo Dapat ang nahuling suspect na si Arman Moog, alyas Roman, 39, ng Brgy. Paiisa, Tiaong, Quezon. Nabatid na ang ‘Laygo KFR group’ ay pinamumunuan ni Feliciano Laygo na may patong sa ulong P500,000 na sangkot sa insidente ng kidnapping sa Southern Tagalog Region. Ang ‘Laygo KFR group’ ay kabilang sa talaan ng National Anti-Kidnapping Task Force sa mga pinaghahanap na mga most wanted kidnap gang sa bansa. Sinabi ni Dapat na si Moog ay nasakote ng mga operatiba ng PNP-CIDG sa may Roxas Boulevard sa Paranaque City sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Ma. Theresa Delatore-Yadao, Presiding Judge ng National Capital Judiciary Region Branch 81 sa Quezon City. Ang naturang grupo ay responsable sa pagdukot sa isang negosyanteng Fil-Chinese na si Channie Son noong Hulyo 1999 sa Commonwealth Avenue sa nabanggit na lungsod. (Ulat ni Joy Cantos)

ARMAN MOOG

CHANNIE SON

CHIEF SUPT

COMMONWEALTH AVENUE

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

FELICIANO LAYGO

JOY CANTOS

JUDGE MA

LAYGO

PARANAQUE CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with