16-anyos na holdaper patay sa parak
July 1, 2005 | 12:00am
Nabaril at napatay ng isang pulis ang isang menor-de-edad na holdaper makaraang mang-agaw ito ng baril sa una na nakaaresto sa kanila, kahapon ng hapon sa Marikina City.
Agarang namatay sanhi ng dalawang tama ng bala mula sa 9mm. na baril ang suspect na itinago sa pangalang Don, 16, residente ng Malabon, samantalang naaresto naman ang kasama nitong si Jaycee Ignore, 28, ng Gov. Forbes, Sampaloc, Maynila.
Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-4 ng hapon sa kahabaan ng Marcos Hi-way Brgy., Barangka ng lungsod na ito.
Nabatid na nagpanggap na pasahero ng isang Tamaraw FX Taxi ang mga suspect na sumakay sa Cogeo, Antipolo City.
Pagdating sa nasabing lugar ay naglabas ng patalim at baril ang mga suspect at nagpahayag ng holdap at mabilis na nilimas ang mahahalagang gamit ng tatlong babaeng pasahero.
Napansin naman ng isang nakaparadang mobile patrol na kinalulunan ni PO2 Nelson Arribay ang komosyon sa loob ng Taxi kaya agad na rumesponde at nahuli ang mga suspect subalit habang pinoposasan na ang mga ito ay inagaw ng nasawi ang baril ng pulis, subalit nanaig ang huli at nabaril ang suspect ng dalawang beses sa katawan na siya nitong ikinamatay.
Lumalabas din sa imbestigasyon ng pulisya na ang grupo ng suspect ang responsable sa sunod-sunod na holdapang nagaganap sa nasabing lungsod. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended