QC ambush: Pulis patay, 2 pa sugatan
July 1, 2005 | 12:00am
Dalawang tama ng bala ng baril sa ulo ang kumitil sa buhay ng isang pulis ng Central Police District (CPD) matapos itong resbakan at ratratin ng apat na kalalakihan, habang dalawa pa ang nasugatan kabilang ang isa sa mga suspect na naganap kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Nakilala ang biktima na si PO2 Isagani Mateo, 31, residente ng Unit F., Pedro St., T.S. Cruz, Brgy. San Agustin, Novaliches, Quezon City at nakatalaga sa Station Intelligence and Investigation Branch ng CPD-Novaliches Station.
Kasalukuyan namang ginagamot sa Quezon City General Hospital ang kaibigan ng nasawing pulis na si Rexer Caranatan, 33, samantalang ginagamot naman sa Chinese General Hospital ang isa sa mga suspect na si Manny Reyes, 26, bunga ng tinamong tama ng bala ng baril sa likuran.
Tatlo pang suspect ang pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad.
Ayon kay Senior Inspector Rey Medina, ng CPD-CID, dakong alas-6:45 ng gabi ng maganap ang insidente sa panulukan ng Macopa at Langka St., sa Brgy. Capri, Novaliches, Quezon City.
Nagsasagawa umano ng surveillance operation si Mateo kaugnay sa naganap na robbery-holdup sa lugar nang madaanan nito si Rexer Caranatan at humingi dito ng ilang impormasyon.
Nag-uusap ang biktima kasama si Caranatan nang biglang dumating si Reyes kasama ang tatlong pang suspect.
Walang sabi-sabing pinaputukan ni Reyes nang malapitan ng dalawang ulit sa ulo ang pulis, sinikap naman ni Caranatan na kunin ang baril ni Mateo saka pinaputukan sa likod ang suspect, kung saan gumanti rin ng putok ang suspect na ikinasugat ni Caranatan sa braso.
Lumilitaw na may dating alitan ang pulis at si Reyes kung saan nakakita ng pagkakataon ang suspect upang makaganti dito.
Isang manhunt operation naman ang inilunsad ng pulisya laban sa tatlo pang kasamahan ni Reyes na mabilis na tumakas matapos ang naganap na barilan. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended