QC shootout: 2 patay, 1 sugatan
July 1, 2005 | 12:00am
Dalawang umanoy miyembro ng pinaniniwalaang gun running syndicate ang napatay, habang dalawa din ang nakatakas matapos na makipagbarilan sa mga tauhan ng Central Police District (CPD) samantalang kritikal naman ang isang pulis Novaliches sa naganap na engkuwentro kahapon ng hapon sa Quezon City.
Hindi pa kilala ang dalawang nasawing suspect na idineklarang dead-on-arrival sa Novaliches General Hospital sanhi ng mga tinamong mga tama ng bala sa katawan.
Inoobserbahan naman sa Chinese General Hospital si SPO3 Cesar Collado ng Novaliches police dahil naman sa apat na tama ng bala ng baril sa katawan.
Ayon sa inisyal na report na tinanggap ni CPD director Chief Supt. Nicasio Radovan, Jr., naganap ang insidente dakong alas-3:00 ng hapon sa Sarmiento St. Brgy. Sta. Monica sa nabanggit na lungsod.
Nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad kaugnay sa umanoy malakihang pagbabagsak ng mga baril sa nasabing lugar. Subalit pagdating sa nasabing lugar agad na sinalubong ng putok ng baril ang mga pulis at tinamaan si Collado.
Dahil dito, napilitang gumanti ng putok ang mga awtoridad na naging dahilan ng kamatayan ng dalawang suspect, habang nakatakas naman ang dalawa pa nitong kasamahan.
Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended