^

Metro

Nag-iinuman niratrat: 1 patay, 3 sugatan

-
Isa ang nasawi, habang tatlo pa ang nasa malubhang kalagayan matapos na pagbabarilin ng tatlong armadong kalalakihan na kinabibilangan ng isang police asset habang nag-iinuman, kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Nasawi habang ginagamot sa FEU Hospital dakong ala-1:30 ng madaling-araw ang biktimang nakilalang si Jerry Gato, ng Block 75, Lot 18 Haring Constantino St., Greater Lagro, Quezon City sanhi ng mga tinamong tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nakilala naman ang mga nasugatan na sina Eduardo Borbon, 47, sales engineer, pinsan ng nasawi at ang magkapatid na sina Froilan, 42 at Florante Odanza, 35, kapwa residente ng Block 64, Lot 13, Ascencion St., Greater Lagro ng nabanggit na lungsod.

Nagsasagawa naman ng manhunt operation ang mga tauhan ng pulisya laban sa mga tumakas na suspect kung saan isa dito ay kinilalang si Cocoy Carbonel na isang police asset.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Joseph Dino, ng CPD-CIU dakong ala-1:20 ng madaling-araw kahapon ng maganap ang pamamaril sa mga biktima sa tapat ng isang cellphone repair shop sa Ascension St., Brgy. Greater, Lagro, Quezon City.

Nag-iinuman umano ang mga biktima nang biglang paputukan ng mga suspect at saka mabilis na tumakas.

Sinisilip naman ng pulisya kung may kinalaman sa droga ang pamamaril ng mga biktima. (Ulat ni Doris Franche)

ASCENCION ST.

ASCENSION ST.

COCOY CARBONEL

DORIS FRANCHE

EDUARDO BORBON

FLORANTE ODANZA

GREATER LAGRO

HARING CONSTANTINO ST.

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with