^

Metro

Donato Contenente laya na

-
Matapos ang 16 na taong pagkabilanggo, nakalaya na kahapon sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City si Donato Contenente na nahatulan sa kasong pagpaslang sa Amerikanong si Col. James Rowe noong 1989.

Dakong alas-8:30 ng umaga nang palayain ng Bureau of Corrections si Contenente na tuwang-tuwang sinalubong ng kanyang pamilya.

Matatandaan na noong 1989, hinatulan ng Quezon City Regional Trial Court Branch 88 ng 16 na taong pagkabilanggo si Contenente makaraang mapatunayang kasama ito sa pumaslang kay Rowe. Si Juanito Itaas na siyang primary suspect sa naturang kaso ay naiwang nakakulong sa naturang piitan.

Nabatid na nang mag-apply si Contenente sa Pardon and Parole ng DOJ, naimpluwensiyahan ito ng American government kung kaya nabinbin ang dapat sana’y maaga pa nitong paglaya.

Dahil sa natapos nito ang 16 na sentensiya kaya tuluyan na siyang nakalaya.

Sinabi ng naturang political detainee na anuman ang mangyari ay hindi niya tatalikuran ang pagiging aktibista. Magboboluntaryo siya sa human rights organization para matulungan ang iba pang political detainee. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

AMERIKANONG

BUREAU OF CORRECTIONS

CONTENENTE

DONATO CONTENENTE

JAMES ROWE

LORDETH BONILLA

MUNTINLUPA CITY

NEW BILIBID PRISON

PARDON AND PAROLE

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

SI JUANITO ITAAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with