^

Metro

Killers ng ex-congressman, tugis

-
Inilunsad kahapon ng binuong ‘Task Force Seachon’ ang manhunt operation laban sa tatlong suspect na rumatrat at pumaslang kay dating Masbate Congressman Fausto Seachon.

Kasabay nito inilabas na ng pulisya ang cartographic sketch ng dalawa sa tatlong suspect na malapitang bumaril sa biktima habang naglalaro ng mahjong noong Linggo ng gabi sa Caloocan City.

Kasalukuyan na ring hinihimay ngayon ng nasabing task force ang mga hawak nilang ‘leads’ para sa agarang ikalulutas ng kaso kung saan ay hawak na ng mga ito ang mga saksi na boluntaryo umanong nagtungo sa kanilang tanggapan.

Base sa ‘artist sketch’, isa sa mga gunman ay tinatayang nasa 32-40 anyos, may taas na 5’6’’ hanggang 5’7’’, banlag ang mata, maikli ang buhok at katamtaman ang pangangatawan.

Bagamat maraming anggulo ang tinutukan ng mga imbestigador, tiniyak ng mga awtoridad na pawang mga professional hired killers ang mga suspect dahil mabilis, tiyak at halos walang aberya o planado ang kanilang isinagawang pagpaslang kay Seachon.

Batay na rin sa inisyal na imbestigasyon ng Task Force Seachon, lumilitaw na ilang buwang isinailalim sa surveillance ng mga salarin ang mga galaw ni Seachon.

Malaki rin ang hinala ng mga awtoridad na isang prominenteng tao sa Masbate ang utak sa pagpatay kay Seachon.

Napag-alaman pa sa mga kapitbahay ni Seachon na sadyang mabait sa kanila ang nasawi at wala ring iniulat na nakaaway ang huli sa tinitirahan nito sa Caloocan City.

Kasalukuyan na ring inaalam ng Task Force Seachon kung sino ang dalawang police escort ni Seachon na naka-detail sa kanya na pawang nagmula sa Police Security Protection Office (PSPO) kung saan ay nakatakdang imbitahan ang mga ito upang makapagbigay ng kani-kanilang pahayag dahil nabatid ng mga imbestigador na ‘absent’ ang mga ito nang maganap ang krimen.

Aalamin din ng mga imbestigador kung kabilang sa talaan ng mga ‘most wanted criminals’ o nasa kanilang ‘gallery’ ng mga hired killers ang inilabas na cartographical sketch ng mga suspect.(Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

AALAMIN

BAGAMAT

CALOOCAN CITY

KASALUKUYAN

MASBATE CONGRESSMAN FAUSTO SEACHON

POLICE SECURITY PROTECTION OFFICE

ROSE TAMAYO

SEACHON

TASK FORCE SEACHON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with