^

Metro

Traffic enforcer na wala sa puwesto, sibak sa MMDA – BF

-
Sinumang traffic enforcer na aalis sa puwesto at magiging dahilan ng magulong daloy ng trapiko ay agad na sisibakin sa MMDA.

Ito naman ang naging babala ni MMDA Chairman Bayani Fernando kasabay ng pagsasampa ng kasong "abandonment of post".

Ayon kay Fernando, ang pagmamantina ng daloy ng trapiko ay malaking responsibilidad sa publiko.

Aniya, kung aabandonahin ng traffic enforcer ang kanilang puwesto at magiging dahilan ng pagkakawindang ng daloy ng trapiko mas makabubuti na huwag na lamang silang bumalik dahil tuluyan na silang aalisin dito.

Ipinaliwanag ni Fernando na ang tungkulin ng traffic enforcer at katulad din ng responsibilidad ng mga tauhan ng PNP kung saan krimen naman ang minomonitor ng mga ito. (Lordeth Bonilla)

ANIYA

AYON

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

DALOY

ENFORCER

FERNANDO

IPINALIWANAG

LORDETH BONILLA

SINUMANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with