Sa nakalap na impormasyon, kumpleto umano ang bala ng service firearm ni Caparoso na isang patunay na hindi ito nagpaputok ng baril.
Ayon pa sa kampo ni Caparoso, igigiit ng mga ito sa piskalya na kasong murder ang isampa laban kay Santos.
Samantala, hinihintay lamang ng CPD-CIU ang resulta ng paraffin examination ng nasawing biktima upang pagbasehan kung murder o homicide ang isasampang kaso laban kay Santos sa QCPO.
Matatandaan na nagkasagupa sina Santos at Caparoso kamakalawa ng hapon sa may Republic Avenue Brgy. Fairview sa tapat ng Methodist Church.
Napag-alaman na lumabag sa batas trapiko ang pinsan ng suspect na si Christian Baguie at nagtungo umano ito sa pinsan upang magsumbong dahil sa umanoy kinikilan siya ng pera ng pulis.
Sumugod ang magpinsan upang kumprontahin ang biktima na humantong sa pamamaril.
Kapwa dinala sa FEU Hospital ang dalawa subalit hindi na naisalba ang buhay ni Caparoso dahil sa tinamong apat na tama ng baril sa katawan.
Nilapatan naman ng lunas sa nasabing pagamutan si Santos sanhi ng tama ng bala sa paa. (Doris Franche)