Saksak sa leeg at tiyan ang tinamo ng biktimang si Guerrero habang nasugatan naman ang umanoy ka-live in nito na si Danilo Tolentino, isang businessman at residente ng L-24, B-2 Atdram Village Real Calamba, Laguna.
Sa ulat ni PO3 Robert Eugenio, natuklasan ang insidente dakong alas-8:00 ng umaga sa loob ng 43 B Bermuda Hotel and Restaurant Annex na matatagpuan sa Sultan St. Brgy. Highway Hills ng nasabing lungsod.
Sa inisyal na imbestigasyon, nabatid na nag-check-in ang dalawa dakong alas-5:20 ng hapon noong Hunyo 25.
Napag-alaman na tinawagan ng hotel personnel ang kuwarto ng dalawa kahapon upang ipaalala ang wake up call nito ng alas-8 ng umaga subalit walang sumasagot sa telepono.
Agad na nagpautos ng isang maintenance ang hotel upang katukin ang dalawa sa kuwarto subalit walang nagbubukas ng pintuan kung kayat napagpasyahan ng sirain ang door knob nito.
Sa butas ng door knob ay nasilip ng hotel personnel na duguang nakahandusay ang babaeng biktima na agad nilang itinawag sa pulisya.
Dinala agad sa Mandaluyong City Medical Center si Tolentino matapos na mabatid na humihinga pa ito subalit patay na si Guerrero dahil sa lalim ng tinamong tama.
Sa salaysay ni Tolentino, sabay umano silang magpapakamatay sa pamamagitan ng pagsaksak sa isat isa subalit napuruhan niya si Guerrero.
Napag-alaman na naglalas din si Tolentino sa dalawa niyang kamay.
Nabatid na ang pagkalugi nito sa negosyo ang siyang nagtulak sa kanila upang wakasan ang kanilang buhay.