^

Metro

1 tigok, 1 kritikal... Mag-live-in partner nagsaksakan

-
Patay ang isang babae habang sugatan naman ang ’di umano’y kinakasama nitong lalaki na pawang hubo’t hubad, matapos na magsaksakan sa loob ng isang motel kahapon ng umaga sa lungsod ng Mandaluyong.

Saksak sa leeg at tiyan ang tinamo ng biktimang si Guerrero habang nasugatan naman ang umano’y ka-live in nito na si Danilo Tolentino, isang businessman at residente ng L-24, B-2 Atdram Village Real Calamba, Laguna.

Sa ulat ni PO3 Robert Eugenio, natuklasan ang insidente dakong alas-8:00 ng umaga sa loob ng 43 B Bermuda Hotel and Restaurant Annex na matatagpuan sa Sultan St. Brgy. Highway Hills ng nasabing lungsod.

Sa inisyal na imbestigasyon, nabatid na nag-check-in ang dalawa dakong alas-5:20 ng hapon noong Hunyo 25.

Napag-alaman na tinawagan ng hotel personnel ang kuwarto ng dalawa kahapon upang ipaalala ang wake up call nito ng alas-8 ng umaga subalit walang sumasagot sa telepono.

Agad na nagpautos ng isang maintenance ang hotel upang katukin ang dalawa sa kuwarto subalit walang nagbubukas ng pintuan kung kaya’t napagpasyahan ng sirain ang door knob nito.

Sa butas ng door knob ay nasilip ng hotel personnel na duguang nakahandusay ang babaeng biktima na agad nilang itinawag sa pulisya.

Dinala agad sa Mandaluyong City Medical Center si Tolentino matapos na mabatid na humihinga pa ito subalit patay na si Guerrero dahil sa lalim ng tinamong tama.

Sa salaysay ni Tolentino, sabay umano silang magpapakamatay sa pamamagitan ng pagsaksak sa isa‘t isa subalit napuruhan niya si Guerrero.

Napag-alaman na naglalas din si Tolentino sa dalawa niyang kamay.

Nabatid na ang pagkalugi nito sa negosyo ang siyang nagtulak sa kanila upang wakasan ang kanilang buhay.

vuukle comment

ATDRAM VILLAGE REAL CALAMBA

B BERMUDA HOTEL AND RESTAURANT ANNEX

DANILO TOLENTINO

GUERRERO

HIGHWAY HILLS

MANDALUYONG CITY MEDICAL CENTER

NAPAG

ROBERT EUGENIO

SULTAN ST. BRGY

TOLENTINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with