^

Metro

Ina inaresto ang rapist na anak

-
Ipinakita ng isang ina ang pagmamahal sa kanyang anak matapos hulihin ng una ang nanghalay sa kanyang dalagitang anak, kahapon ng madaling-araw sa Navotas.

Kasalukuyang nakakulong at nahaharap sa kasong rape at paglabag sa Republic Act 7610 (anti-child abuse law) si Willy Panis, 23, mangingisda at naninirahan sa Market 3, Navotas Fish Port, North Bay Blvd. North (NBBN) ng nasabing bayan.

Sa salaysay ng biktimang itinago sa pangalang Kate, 14, out-of-school youth at naninirahan din sa naturang lugar, dakong alas-5:30 nang maganap ang insidente sa loob ng kanilang tinitirahang bahay.

Ayon sa biktima, nasa kasarapan siya ng tulog nang maramdaman niya na may humihimas sa kanyang kaselanan kaya’t agad nitong iminulat ang kanyang mga mata. Nakita nito ang suspect na second cousin ng kanyang ina na may hawak na baril at agad na itinutok sa kanyang leeg habang bumubulong na huwag sisigaw.

Bagamat pumapalag ay walang nagawa ang biktima nang isa-isang tanggalin ng suspect ang kanyang mga saplot at simulan ni Panis ang kanyang kamunduhang pagnanasa.

Matapos makaraos ay tinakot pa ng suspect ang biktima na papatayin sakaling magsumbong ngunit nang makaalis si Panis ay agad na ikinuwento ng dalagita sa kanyang ina ang ginawa ni Panis.

Agad namang hinanap ng ina ng biktima ang suspect at nang makita ito ay agad na kinompronta ngunit nang tangkain ni Panis na tumakas ay agad itong hinabol ng ginang. Nang makita naman ng taumbayan ang paghabol ng ginang sa suspect ay agad na nagsitulong ang mga ito at nang makorner si Panis ay pinagtulungang gulpihin na nahinto lamang nang magdatingan ang mga rumespondeng awtoridad. (Ulat ni Rose Tamayo)

AGAD

AYON

KANYANG

NANG

NAVOTAS FISH PORT

NORTH BAY BLVD

PANIS

REPUBLIC ACT

ROSE TAMAYO

WILLY PANIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with