Turkey Embassy nilooban
June 24, 2005 | 12:00am
Pinaniniwalaang "inside job" ang naganap na panloloob sa embahada ng bansang Turkey kung saan nakatangay ang mga suspect ng hindi pa mabatid na halaga ng mga mahahalagang kagamitan at cash, kamakalawa sa Makati City.
Sa sketchy report na nakarating sa Makati City Police, dakong alas-9 ng umaga nang madiskubre ang nakawan sa loob ng visa section ng Turkey Embassy na matatagpuan sa #2268 Paraiso St., Dasmariñas Village ng lungsod na ito.
Niransak ng mga hindi pa nakikilalang mga suspect ang ilang drawer at nawawala ang mga mahahalagang kagamitan at hindi pa mabatid na cash.
Kaagad na ipinagbigay-alam ng mga kawani ng embahada ang insidente sa tanggapan ng pulisya at iniimbestigahan pa kung sino ang responsable sa naturang panloloob.
May teorya ang pulisya na posible aniyang "inside job" ang nasabing panloloob dahil hindi basta-basta makakapasok ang mga outsider dahil mahigpit ang seguridad na ipinatutupad sa nabanggit na embahada.
Hanggang sa ngayon ay blangko pa ang mga awtoridad sa naturang kaso. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended